
Bago magsimula ang kanilang training, sumabak sa Pekiti-Tirsia Kali training ang mga bida ng upcoming GMA Prime series na Mga Batang Riles na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon.
Kasabay nito ay nagsanay rin sila sa paghawak ng mga sandata na gagamitin nila sa kuwento.
Paliwanag ni Miguel, "Mas more on kung paano kami humawak ng mga weapons like arnis, pinahawak rin kami ng knife na magiging very vital sa mga characters namin, dahil sa riles kami nakatira, kalye kami kaya ayan 'yung mga weapons na gagamitin namin."
Dagdag ni Raheel, "'Yung Pekiti-Tirsia Kali, 'yun po 'yung pangalan ng martial arts ng Filipinos, actually, very ancient siya kasi baybayin nga 'yung nakasulat doon."
Saad ni Bruce, "It's nice to know na may ganun na martial arts, it's fun to learn about it."
Pagtatapos ni Antonio, "Ibang martial arts 'to, ibang weapons pang away-kalye, and may arnis din, siyempre."
Ngayong magiging busy na sila sa pagsu-shoot ng Mga Batang Riles, may oras pa kaya sa pag-ibig ang mga binata?
Sagot ni Miguel, "It's all about balance lang naman, Tito Lhar."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras dito:
Bukod sa kanilang lima, makakasama rin sa Mga Batang Riles sina Zephanie, Diana Zubiri, Desiree Del Valle, Jay Manalo, Mr. Ronnie Ricketts, at Ms. Eva Darren.
TINGNAN ANG MGA ARTISTANG MAPAPANOOD PA SA MGA BATANG RILES SA MGA LARAWANG ITO: