GMA Logo Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega
Source: ysabel_ortega and migueltanfelix_
What's on TV

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, napag-uusapan na ba ang kasal?

By Jansen Ramos
Published April 22, 2026 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One of 2 OFWs killed in Lebanon is from Antique
Mel Sarmiento takes oath as OPAPRU chief
Huwag Kang Titingin | NOW ON ITS SECOND WEEK

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega


Inamin ni Miguel Tanfelix na napag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend na si Ysabel Ortega ang kanilang future plans. Kabilang na kaya ang kasal dito?

Masayang nagkuwento si Miguel Tanfelix tungkol sa kanilang relasyon ng kanyang nobya na si Ysabel Ortega.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, April 22, sinabi ng aktor na "very stable" sila ni Ysabel. "Were' very happy. Ako, sobrang love ko si Ysabel," ika niya.

Tatlong taon nang magkasintahan sina Miguel at Ysabel. Gusto na ba nilang dalhin sa next level ang kanilang relasyon?

Sagot ng aktor, "Para sa 'min, mas pinapayaman muna namin yung sarili naming karanasan. Siguro mas pinapa-mature pa namin yung isa't isa bago kami mag-step forward kasi naniniwala kami na dapat buo kaming dalawang bago pumasok do'n."

Ayon kay Miguel, bagama't hindi sila nagmamadali ni Ysabel, napag-uusapan na nila ang kanilang future plans.

Äniya, "Sa 'min napag-uusapan kung anong mga plano namin in the future, anong age gustong magpakasal. Ako, ang sinasagot ko mga early to mid-30s. Matagal-tagal pa, Tito Boy. Marami pa kaming gustong gawin."

Nagkamabutihan sina Miguel at Ysabel nang nagkatrabaho sila sa GMA live-action series na Voltes V: Legacy (2023). Noong December 2023, kinumpirma ng dalawa na sila ay exclusively dating.

Samantala, mapapanood si Miguel sa five-part magazine infotainment special na Planet XP, na unang hosting assignment niya.

Nakatakda rin siyang mapanood sa upcoming GMA series na Firewall.

RELATED FEATURE: Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega's sweet escape in Seoul, South Korea