
Excited na si Miguel Tanfelix sa pagpasok ng karakter ni Kyline Alcantara sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall, kung saan makikilala ang huli bilang forensic accountant na si Callie Sandoval.
Magiging bagong Taskforce Firewall member si Callie at tila may past ito kay Galo, na ginagampanan ni Miguel.
"Dagdag kulay sa buong Team Firewall. Kung paano ba dynamics nila 'pag nandyan na si Callie," sabi ni Miguel sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Samantala, hiling ni Miguel na magkaroon ng crossover sa Taskforce Firewall ang karakter ng kanyang idol na si Dingdong Dantes mula sa The Master Cutter.
Ayon kay Miguel, may naiisip na siyang eksena kung sakaling magkita sina Atoy (Dingdong) at ang karakter niyang si Galo.
"Siya 'yung tutulong sa pinakamahirap naming misyon." sabi ni Miguel. "Kung kailangan namin ng disguise, kung kailangan namin ng suit."
Subaybayan si Miguel Tanfelix sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime!
May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Related content: