
Hitik sa fight scenes at stunts ang upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Kaya naman challenging daw ito para sa isa sa mga lead stars na si Kapuso actor Miguel Tanfelix.
Ito raw kasi ang unang sabak niya sa ganitong klaseng proyekto.
"Ang challenge sa akin nito ay 'yung genre niya na hard action. First time kong mag-hard action pero dahil willing naman akong magpakapagod sa set, nandiyan naman 'yung guidance nina direk, ng aming stunt team, at ng aking ka-partner na si Kylie (Padilla), 'yung challenge na 'yun, nababawasan. Mas nagiging enjoyable 'yung buong process na 'yun," pahayag ni Miguel.
Dahil dito, puspusan daw ang paghahanda niya para sa serye kung saan gaganap siya bilang si Galo, retired soldier na magiging combat specialist ng cybercrime division sa fictional na Philippine Bureau of Investigation (PBI).
"Since ito nga 'yung isa sa pinakauna kong hard action, nagkaroon ako ng training din with the Army sa Tarlac. Nag-overnight ako, kasama ko si Cheska (Fausto) doon. Kailangan kong mas maintindihan pa kung paano humawak ng baril since first time ko," lahad ng aktor.
Ang Taskforce Firewall ay tungkol sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Bukod kay Miguel, bahagi rin ng serye sina Kylie Padilla, Jak Roberto, Kyline Alcantara, Buboy Villar at marami pang iba.
Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE NG TASKFORCE FIREWALL DITO: