GMA Logo Miguel Tanfelix in Planet XP
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's on TV

Miguel Tanfelix, haharap sa bagong misyon sa Cavinti, Laguna sa 'Planet XP'

By Maine Aquino
Published May 6, 2026 4:53 PM PHT
Updated May 6, 2026 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nadine Lustre's gorgeous beach looks that prove she's the ultimate island girl
Registered vehicle owner in Mindanao Ave. gas-and-run identified
The brother history gave me

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Planet XP


Abangan ang adventure at mga misyon ni Miguel Tanfelix sa bagong episode ng 'Planet XP' sa May 9.

Tara, G! sa bagong Saturday adventure ni Miguel Tanfelix sa Planet XP!

Ngayong May 9, mapapanood ang pagsabak ni Miguel sa iba't ibang misyon sa Cavinti, Laguna.

Tatlong hamon ang haharapin ni Miguel sa pinakabagong episode ng Planet XP. Susubukan niyang mag-harvest sa pandan forest, matutunan ang paggamit ng tradisyunal na ilohan upang makabuo ng sambalilo, at mag-trek sa mga forest trail ng Cavinti.

PHOTO SOURCE: Planet XP

Samantala, mapapanood din sa Planet XP ang segment na “Alaga Ko,” na tampok ang pangangalaga sa wildlife sa Cavinti.

Sa “Huwaw” segment naman, itatampok ang isang hidden gem sa Cavinti, Laguna, habang sa “Share Ko Lang” segment ay ibabahagi ang makulay na Sambalilo Festival.

Abangan ang lahat ng ito at marami pang iba ngayong Sabado sa Planet XP, May 9, 6:30 p.m. sa GMA.

Ang Planet XP ay hatid ng GMA Network, katuwang ang National Council for Children's Television bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).

Samantala, balikan ang mga naganap sa unang episode ng Planet XP dito.