
Umabot sa double digits ang ratings ng tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Para 'yan sa episode 36 na umere noong July 13 kung saan malalaman na ni Isa (Kylie Padilla) na may kabit ang asawa niya.
Kasabay ng rebelasyong ito ang delikadong raid ng cybercrime team sa isang e-sabong syndicate.
Nagtala ito ng 10.7 combined ratings mula sa GMA, GTV , Heart of Asia, at I Heart Movies ayon sa tala ng Nielsen Philippines.
Mas mataas ito sa combined ratings na 3.7 at 0.9 ng dalawang kasabay na programa.
Image Source: gmanetwork (Instagram)
Bukod sa telebisyon, mainit din ang naging pagtanggap ng mga manonood online sa Taskforce Firewall.
Umani ito ng mahigit 700 million views across platforms ng GMA Network.
Dahil diyan, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang isa sa mga bida ng serye na si Miguel Tanfelix.
"Gusto ko lang magpasalamat dahil sobrang lakas ng suporta niyo sa TV and online. Sobrang na-appreciate ng team 'yun dahil pinaghihirapan namin 'tong show na 'to para sa inyo," lahad niya.
Gumaganap si Miguel sa serye bilang Galo, dating sundalo na agent na ngayong ng cybercrime division ng kapulisan.
Pangako niyang mas pagbubutihan pa nila ang trabaho sa serye.
"Dahil todo suporta kayo, mas lalo namin pinapaganda, mas lalo naming pinapa-intense 'yung mga revelations ng show namin. Ang dami naming kinunan na mga action scenes so abangan niyo 'yun. Mayroon akong isa sa mga favorites sa isang factory," bahagi niya.
"Abangan niyo rin kung mahuhuli na ba ni Isa sila Martin (Luis Hontiveros). Mahuhuli na ba ni Galo 'yung kumidnap sa kapatid niya?" dagdag pa ni Miguel.
Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.