
Puno ng pasasalamat si Miguel Tanfelix sa mga tumutok sa kanyang mga adventure sa Planet XP.
Ang Planet XP ang kauna-unahang solo hosting project ni Miguel.
PHOTO SOURCE: Planet XP
Noong Sabado, Mayo 30, ipinalabas ang finale episode ng programa. Kasunod nito, nagbigay si Miguel ng mensahe para sa mga tumutok at naging bahagi ng Planet XP.
"Yo, XPlorers, this is Miguel Tanfelix. Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng tumutok sa Planet XP. Sana nag-enjoy kayo sa ating adventure."
Nagpasalamat din ang Kapuso actor sa mga taong nasa likod ng programa.
"Sa buong team na nasa likod ng camera ng Planet XP, maraming maraming salamat po. Of course, hindi ko makakalimutan ang NCCT (National Council for Children's Television)."
Saad pa ni Miguel ay abangan dahil baka may susunod pa siyang mga adventures.
"Xplorers, kung nabitin kayo abangan ninyo baka may susunod pa tayong mga adventures. Kita kits!"
Hatid ng GMA Network ang Planet XP, katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).
Samantala, nakatanggap din ng exemption ang Planet XP mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa educational aspect ng programa na naghihikayat sa exploration at pangangalaga sa kalikasan. Ginawa ang Planet XP bilang child-friendly na content o programang angkop para sa mga bata.
Balikan ang finale episode ng Planet XP rito: