GMA Logo Miguel Tanfelix
Celebrity Life

Miguel Tanfelix, namahagi ng grocery items sa kanyang 24th birthday

By Jansen Ramos
Published September 27, 2022 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jimuel Pacquiao scores 1st win with 2nd-round KO of Darrick Gates
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


'Minsan 'yung konti natin, malaki na para sa kanila.' - Miguel Tanfelix

Matapos ibahagi ang parte ng kanilang napalanunang halos dalawang milyong piso ni Ysabel Ortega sa The Wall Philippines sa Kapuso Foundation, muling namahagi si Miguel Tanfelix ng kanyang blessings sa mga kapus-palad.

Itinapat niya ito sa kanyang 24th birthday noong September 21 na mapapanood sa kanyang September 24, 2022 YouTube vlog.

Hindi ito ang unang beses na ibinahagi ni Miguel ang jackpot prize na nakuha niya sa isang game show dahil matatandaang nagpaabot din siya ng tulong sa mga nangangailan nang mag-uwi siya ng Pph 100,000 cash prize nang sumali sa All-Star Videoke noong 2017.

Sa kanyang 24th birthday, ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng grocery items gaya ng tubig, bigas, mga delata, instant noodles, kape, face mask, at iba pa sa ilang taong hirap sa buhay na nakita ni Miguel sa daan.

Kabilang sa mga inabutan ni Miguel ng grocery pack ang vendor ng buko juice, parking, attendant, security guard, at lalaking nakatira sa kariton.

Tila naka-jackpot naman ang isang babaeng nanghihingi ng limos para pandagdag pamasahe pauwi ng probinsiya at pang-kain nang abutan ni Miguel ng grocery pack.

Nakuha pang biruin ni Miguel ang isang delivery rider na inakalang magpapa-deliver ng item ang aktor nang iniabot niya ang tote bag na naglalaman ng grocery items. Sinaluduhan naman siya ng nasabing rider nang sabihin ni Miguel para sa kanya talaga ang regalo.

Nabahagian din ni Miguel ng biyaya ang isang matandang naka-wheelchair na nagtitinda ng bulaklak sa tapat ng simbahan at binili ang ilang tinda nito.

Sa tuwa ng matanda, inilibre pa niya si Miguel ng ilang bungkos ng bulaklak.

Kinilig naman ang isang grupo ng sampaguita vendors nang makita ang artista. Lalo pang pinakilig ni Miguel ang mga vendor nang bigyan niya ang mga ito ng bulaklak na kanyang binili sa matanda.

Hindi naghanda ng magarbong birthday party si Miguel pero, aniya, sobrang nag-enjoy siya sa kanyang simpleng birthday celebration.

Sabi ng What We Could Be star, "Unang-una dahil 'yung weather, nakisama, maaraw. Pangalawa, ang dami nating natulungan, of course. Iba 'yung joy na nabibigay n'on sa 'kin."

Very fulfilling ang pagtulong para kay Miguel kaya paalala niya, "kung meron kayong sobra kahit konti, pamahagi n'yo sa iba.

"Minsan 'yung konti natin, malaki na para sa kanila kahit ano, kahit candy, kahit nga time lang e. For sure, ma-a-appreciate nila 'yon. Ma-a-appreciate nila nang sobra 'yun kaya try n'yo guys, masarap sa pakiramdam."

Panoorin ang buong birthday vlog ni Miguel dito:

BALIKAN ANG SPARKLING SHOWBIZ CAREER NI MIGUEL TANFELIX DITO: