GMA Logo Miguel Tanfelix Ysabel Ortega
PHOTO COURTESY: migueltanfelix_ (IG)
What's on TV

Miguel Tanfelix reveals the real score between him and Ysabel Ortega

By Dianne Mariano
Published February 10, 2023 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Habagat to bring heavy rainfall over Palawan, Occidental Mindoro
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega


Ano kaya ang tunay na estado ng relasyon nina Sparkle stars Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega? Alamin DITO:

Inilahad ni Sparkle actor Miguel Tanfelix na nililigawan niya ang kapwa Kapuso star na si Ysabel Ortega.

Ito ay inamin ng Kapuso heartthrob sa "The Talk" segment ng programang Fast Talk With Boy Abunda kahapon (February 9).

Matatandaan na naglabas ng photo album ang seasoned talk show host na si Boy Abunda na naglalaman ng mga larawan ng Kapuso actresses na na-link kay Miguel at kabilang dito ang picture ni Ysabel.

Ayon kay Miguel, hindi pa sila magkarelasyon ng aktres ngunit nililigawan na niya ito.

“Kailangan po natin kasi sundin 'yung nanay ni Ysabel. Medyo strict po si Tita and respeto po sa desisyon niya para sa anak niya dahil kahit papaano kailangan nyo rin pong ligawan 'yung magulang ng nililigawan n'yo. So hindi pa po. Nililigawan ko po silang dalawa,” sagot niya.

Ayon pa kay Miguel, nais niyang bigyan ng oras si Ysabel dahil binabalanse nito ang pagiging artista at law student.

Aniya, “Nag-aaral po siya ngayon, e. So gusto ko rin pong bigyan siya ng time. Ayaw ko pong masakal siya. Kung maging kami man ngayon baka maging distraction lang po ako sa law school niya ngayon.”

Matapos ang “Fast Talk” segment ng programa, ibinahagi ni Miguel na magkasama sila ni Ysabel na dumalo sa wedding ceremony nina Carlo Gonzalez at Luane Dy. Ayon kay Miguel, first time nilang dalawa na magkasama sa ganoong klaseng event.

Dahil dito, tinanong ni Tito Boy si Miguel kung napag-usapan ba nila ni Ysabel sa naturang event ang posibilidad ng pagpapakasal.

“Madalas kaming mag-usap Tito Boy kung ano'ng gusto namin sa isang relasyon. Madalas kaming mag-usap kung ano'ng ayaw namin, very open po kami about doon. Pero sa kasal parang masyadong malayo pa po 'yon para pag-usapan namin. Ang dami pa pong steps na kailangang pagdaanan.”

Nangako naman ang aktor sa nanay ni Ysabel na si Michelle Ortega na aalagaan niya ang anak nito at handang maghintay para sa kanyang approval.

“Huwag po kayong mag-alala, pinagdadaanan po namin 'yung bawat steps na kailangan naming pagdaanan para mas makilala 'yung isa't isa at never po akong magiging distraction sa anak ninyo dahil alam ko pong gusto n'yo siyang maging attorney in the future. Andito lang po ako naghihintay para sa approval n'yo po and para kay Ysabel,” mensahe ng aktor.

Nang tanungin si Miguel kung paano niya mapapatunayan ang kanyang pagmamahal kay Ysabel, sagot niya, “ [Itong] interview na sabihin sa public na mahal na mahal ko siya. Wala nang ibang paraan, Tito Boy.”

Panoorin ang buong panayam ni Miguel sa Fast Talk with Boy Abunda sa video na ito.

Noong 2022, bumida sina Miguel at Ysabel sa GMA Telebabad series na What We Could Be. Pareho ring mapapanood ang dalawang Sparkle stars sa highly-anticipated na Voltes V: Legacy.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG KAPUSO PROFILES SHOOT NINA MIGUEL AT YSABEL SA GALLERY NA ITO.