GMA Logo Miguel Tanfelix
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's Hot

Miguel Tanfelix, sasabak sa hosting sa 'Planet XP'

By Maine Aquino
Published April 14, 2026 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
No winners of major lotto jackpot draws on April 14, 2026
Ex-councilor shot dead in Binalbagan town

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Ayon sa Kapuso star, kakaibang Miguel Tanfelix ang masasaksihan ng mga manonood sa 'Planet XP.'

Ipakikita ni Miguel Tanfelix ang kaniyang mga natutunan sa iba't iba niyang paglalakbay bilang host sa Planet XP.

Ang Planet XP ay isang five-part magazine-infotainment special na partnership ng GMA Network at ng National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV). Ang programang ito ay hango sa gaming term na “XP” o experience points dahil puno ito ng immersive na adventures.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, nagkuwento si Miguel na dream come true ang pagiging host ng Planet XP.

Ani Miguel, "Matagal ko nang hinihiling na magkaroon ng isang travel show, so dream come true ito. Ngayong 27 years old ako, binigyan ako ng travel show, so parang very unexpected din 'yung timing nung Planet XP."

Ayon pa sa Kapuso star, kakaibang Miguel ang masasaksihan sa Planet XP.

"Gusto kong ipakita sa audience kung sino ba ako bilang isang adventurer, bilang isang traveler, kasi 'yun naman talaga 'yung ginagawa ko."

Ibinahagi rin ng Planet XP host na inspirasyon niya ang host ng programang Amazing Earth na si Dingdong Dantes at ng Biyahe ni Drew na si Drew Arellano.

Saad pa ni Miguel, masasaksihan ng mga manonood ang adventures na kaniyang na-experience sa Planet XP.

"Hindi lamang lumipad; binangka namin, hinike namin, so very immersive siya. Ako mismo 'yung pupunta sa bawat community para i-experience kung paano ang kultura nila, ano 'yung ginagawa nila pang-araw-araw, ano 'yung kinakain nila, paano sila mamuhay."



Mapapanood ang five-part magazine infotainment special na Planet XP tuwing Sabado, simula May 2, 6:30 p.m. sa GMA.