GMA Logo Miguel Tanfelix
Source: migueltanfelix_ (IG)
Celebrity Life

Miguel Tanfelix, sinubukan ang bouldering

By Marah Ruiz
Published July 5, 2026 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos says VP Sara Duterte should attend impeachment trial
Farm to Table: (July 5, 2026) LIVE
Beyond the Gen Z myth: 4 distinct luxury mindsets reshaping travel in Asia Pacific

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Sinubukan ni Miguel Tanfelix ang indoor sport na bouldering.

Isang bagong sport ang sinubukan ni Kapuso actor Miguel Tanfelix.

Na-challenge ang lakas ng mga braso ni Miguel sa indoor sport na bouldering.

Ang bouldering ay isang uri ng rock climbing kung saan hindi gumagamit ng mga lubid at harness. Tanging climbing shoes, chalk, at safety mats lang ang gamit dito.

Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, makikita si Miguel na sinusubukang tumalon sa iba't ibang climbing holds.

Dahil beginner, ilang beses na nahulog ang aktor pero agad naman sumubok muli.

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)

Bukod kay Miguel, nahihilig din recently sa bouldering ang kanyang girlfriend at kapwa Kapuso star na si Ysabel Ortega.

Inilarawan pa ng aktres ang sport bilang isa sa mga "side quests" niya nitong nakaraang June.

Pati ang Taskforce Firewall co-star ni Miguel na Kyline Alcantara, sumabak din sa bouldering kamakailan.

Patuloy na panoorin si Miguel Tanfelix sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Abangan ito Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.