GMA Logo Miguel Tanfelix
Source: migueltanfelix_ (IG)
What's Hot

Miguel Tanfelix, takot sa bagong 'señorita' sa kanyang buhay

By Marah Ruiz
Published April 20, 2026 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

9-anyos na babae, nakitang patay at nakalagay sa sako sa Bukidnon
Drivers who got only P1,500 in fuel subsidy complain to LTFRB-10
Sparkle stars walk the runway at Bench Fashion Week 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


May bagong "señorita" sa buhay ni Miguel Tanfelix. Kilalanin siya rito.

Ipinakilala ni Kapuso actor Miguel Tanfelix ang bagong "señorita" sa kanyang buhay.

Sa isang video sa Instagram, ipinakita ng aktor ang newest addition sa kanilang pamilya.

Ito si Señorita, ang bagong pet snake ng content creator at mommy niyang si Grace Tanfelix.

Batid sa video ang takot ni Miguel sa ahas. Umiiwas pa siya kapag sinusubukan itong ilapit sa kanya ni Mommy Grace.

Kalaunan ay nagawa rin hawakan at kargahin ni Miguel ang ahas.

"Dahan-dahan, be gentle," paalala ni Mommy Grace.

Inilagay pa niya ito sa balikat ni Miguel.

"Tanggalin mo, Mommy. Baka sakalin ako," ani Miguel.

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)

Busy rin si Miguel sa paghahanda para sa upcoming action series na pagbibidahan niya.

May working title ito na Firewall at makakasama niya dito sina Kylie Padilla, Kyline Alcantara, Jak Roberto, Buboy Villar, at Lexi Gonzales.

Source: migueltanfelix_ (IG)

Sama-sama silang sumabak sa training para gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI MIGUEL TANFELIX SA GALLERY NA ITO: