GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Miguel Vera, Lilet, at iba pang beloved OPM voices, may Friday tapatan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 31, 2026 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Proposed P7.2-T 2027 nat'l budget to be submitted to Congress before Aug. 14 — DBM
Miss Supranational PH Katrina Llegado blooms in national costume
Public urged to avoid spreading false info on Baterbonia case

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga world-class OPM artists na magpapagalingan sa 'Family Feud' ngayong July 31.

Punong-puno ng nostalgia at world-class OPM talent ang hatid ng Family Feud ngayong Biyernes.

Sa pagtatapos ng July, maghaharap ang dalawang grupo ng ilan sa mga pinakaminamahal na OPM artists. Sila ay ang The OG Performers at The Timeless Voices.

Binubuo ng mga kilalang male OPM artists na sumikat noong '90s ang The OG Performers. Pangungunahan ang kanilang grupo ng first-time Family Feud guest na si Miguel Vera. Si Miguel ay ang stage actor at singer sa likod ng hit na "Nais Ko." Pagkatapos manirahan sa Amerika at magtrabaho bilang truck driver, nagdesisyon siyang muling bumalik sa Pilipinas.

Kasama rin sa grupo si Jude Michael, ang boses sa likod ng OPM classic at teleserye theme song na "Mula sa Puso"; si Wency Cornejo na dating bokalista ng After Image at hitmaker na nag-aral ng culinary arts sa Italy; at si Robert Seña na kilalang stage at screen actor na tumatak sa pagganap bilang kontrabidang si Thuy sa original London production ng Miss Saigon.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakatapat nila ang The Timeless Voices, isang all-female powerhouse group na binubuo ng mga OPM icons mula '70s, '80s, at '90s.

Pangungunahan ito ng dating child star na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa industriya na si Lilet. Nakilala siya sa buong mundo matapos maging tampok sa isang iconic soft drink commercial na kinunan sa Liverpool, England noong 1986.

Kasama rin sa The Timeless Voices si Ivy Violan, isa sa mga haligi ng OPM na nagwagi ng grand prize sa kauna-unahang GABY Golden Kite World Song Festival sa kainyang rendition ng "Easy to Love You." Maglalaro rin sa grupo si Lou Bonnevie, ang eco-rocker sa likod ng mga hit na "Love Me Tonight," "Lagi Lagi Na Lang," at "Simpleng Babae." Siya rin ang nagtatag ng Earthday Jam na annual pro-environment music street celebration. Ang huli ay si Allona, ang pride ng Misamis Occidental na pinasikat ang awiting "Someone's Always Saying Goodbye" noong 1994.

Tutukan ang masayang bakbakan ng mga beteranong OPM artists sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 31, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.