
Kabilang ang model at newbie actress na si Mika Reins sa star-studded cast ng upcoming series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Baguhan pa lang si Mika sa larangan ng acting pero mas una siyang nakilala bilang isang modelo nang manalo siya sa prestihiyosong Elite Model Look noong 2021.
Siya ang kaunaunahang Pilipina na nanalo sa model search competition na ito.
Sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, gaganap siya bilang Kayla, ang rebellious na stepdaughter ni Violet na karakter naman ni Beauty Gonzalez.
"She will be going through the details of the Chua famuly. All the problems and challenges, she will be able to see through all of them and also observe," pahayag ni Mika tungkol sa kanyang karakter sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.
Bilang isang baguhang aktres, masaya raw siya na mapabilang sa isang serye na base sa iconic Mano Po film series.
"It's really great lalo na I'm Chinese-Filipino. I grew up with all these stories. It's really what's happening in our culture. It's a good story. It's very inspiring. Ang daming lessons rin that you could learn from the FilChi community," lahad ni Mika.
Gamit ang kanyang karakter, nais daw niyang maipakita sa mga manonood ang kultura ng bagong henerasyon ng Chinese-Filipinos na kinabibilangan din niya.
"I think Kayla plays a role to the Chinese community as this kind of new Gen Z rebel type, trying unconventional careers and jobs. She's bringing the new in the traditional," aniya.
Bukod dito, kaabang-abang daw ang pagpapakita ng kalakasan ng mga kababaihan sa serye.
"It's about women empowerment, how women are more capable. A lot of people used to discriminate how men could be better at their jobs, but with this one, it's more of how women can succeed even without male support. Women empowerment, showing new ideas in traditional culture-- it's very inspiring," bahagi ni Mika.
Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya-kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.
Bukod kina Mika at Beauty, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian, at marami pang iba.
Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE RITO: