GMA Logo Mika Salamanca and H2WO breakup issue
Celebrity Life

Mika Salamanca and H2WO breakup: Was there a third party involved?

By Maine Aquino
Published March 4, 2024 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beloved local coffee shop finds new home in a cozy standalone café in BGC
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants
Multicab falls into ravine in Ayungon, Negros Or; 8 dead

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca and H2WO breakup issue


Ano nga ba ang dahilan ng hiwalayan nina Mika Salamanca at H2WO?

Magkasamang nagsalita sina Mika Salamanca at H2WO para linawin ang ilang isyu na bumabalot sa kanilang hiwalayan.

Sina Mika at H2WO na kilala bilang John Paul Salonga sa totoong buhay ay naging magkarelasyon ng halos tatlong taon.

PHOTO SOURCE: mikslmnc/ h2woofficial (IG)

Kuwento ni Mika tungkol sa kanilang paghihiwalay, "Nag-grow tayo, but not the relationship. It's just that we were so comfortable. Ang komportable namin."

Dugtong naman ni H2WO, "Parang kampante din."

Inilahad ng Professional Esports Player na si H2WO na maayos naman ang kanilang relasyon bago sila tuluyang maghiwalay ni Mika.

"All goods naman ako sa pagsasama naming dalawa. Ang daming memories, ang daming happy moments mga ganoon."

Gayunpaman, may inilahad ang Sparkle artist na si Mika na pinagsisisihan nila sa kanilang relasyon.

"My only pinagsisihan is masyado natin inopen 'yung relationship sa lahat ng tao. Maraming part ng relationship natin na it could've been better if it's like just the two of us."

RELATED GALLERY: Celebrity breakups that shocked the public

Ikinuwento pa ni Mika na noong 2023 pa nila pinagiisipang maghiwalay dahil gusto nilang pagtuunan ng pansin ang kani-kanilang mga career.

"Actually last year pa namin pinagiisipan ni H2 ito. Kasi priority namin 'yung career and growth ng isa't isa. Ako kasi personally, hindi ko iisipin 'yung sarili ko kung nakaka-hinder ako sa growth mo. Sobrang cliche, and baka sabihin ninyo sobrang babaw, pero kasi 'yung reason talaga namin is because of growth talaga."

Nilinaw ni H2WO na wala silang sama ng loob sa isa't isa. Saad niya sa video, "All goods 'yung breakup namin. Walang samaan ng loob."

A post shared by Mika Salamanca (@mikslmnc)

Binigyang pansin rin nila Mika at H2WO ang cheating-related comments sa kanilang social media platforms.

Ani H2WO, "Maraming nagsabi na cheating daw dahilan. Maraming nagko-comment."

Dugtong ni Mika, "Never naming gagawin 'yung cheating part."

RELATED CONTENT: Check out Mika Salamanca's pose ideas to show off your tattoos