
Muling magkakatrabaho ang Kapuso actresses na sina Barbie Forteza at Mika Salamanca sa upcoming movie na Saving Cherry.
Unang nagkasama ang dalawang aktres sa GMA Prime series na Maging Sino Ka Man noong 2023.
Sa muli nilang pagsasama, mas humanga raw si Mika kung gaano kaganda ang pakikipagtrabaho ng award-winning actress.
“Si Ate Barbie po, yung work ethic niya, sobrang ganda ng work ethic niya. Ang dami kong natutuhan sa work ethic niya pa lang, paano pa sa acting and everything.
“Sobrang maalaga po siya sa set. Talagang sasabihin niya po kapag may mali, sasabihin niya kung good job ka. Para ko po siyang ate po talaga sa set.”
Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Mika sa opening ng Awesam Smile sa isang mall sa Taguig City noong nakaraang Sabado, July 18.
Sa naturang pelikula, isang genuine at sincere na pagkakaibigan daw ang nabuo sa pagitan nila Mika, Barbie, at iba pa nilang co-actors.
Paglalahad niya, “Hindi po namin first time magkatrabaho ni Ate Barbie, kasi nag-Maging Sino Ka Man [kami], naka-work ko na siya do'n. Pero ngayon kasi it's way different working together kasi para kaming magbarkada rito, e. Na-feel talaga namin ang pagiging barkada namin sa isa't isa.”
Malaking tulong daw ito para mas mapadali ang trabaho nila sa set.
“Noong na-build up na po namin ang chemistry namin, lahat ng characters, sobrang nadadalian na lang kami. Para na lang kaming naglalaro sa set, ganun po,” ani Mika.
Samantala, dapat daw abangan ng fans ni Mika ang kanyang character sa pelikula,
“Magugulat po kayo sa character ko kasi I never played a character like this before. It was really a challenge for me. Sobrang wild!” paglalarawan niya.
Related gallery: Mika Salamanca on her viral videos: 'Yung Mika na maliit, gusto niya talaga maging sikat'