
Pinabulaanan ni Mika Salamanca ang bali-balitang may problema sa pagitan nila ng kanyang kaibigang si Bianca de Vera.
Nakausap ng GMANetwork.com at ilang entertainment media si Mika matapos ang opening ng ng bagong Awesam Smile Dental Clinic sa Taguig City nitong Sabado, July 18.
Dito, sinabi niyang, “Okay kami,” nang matanong tungkol sa isyu.
Matatandaan na nag-ugat ito nang mapansin ng ilang fans ang diumano'y pagiging distant ng dalawa sa naganap na media conference ng pinagbidahan nilang serye, ang The Secrets of Hotel 88.
Pero taliwas ito sa masasayang interactions ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates sa event kahapon, na pareho nilang dinaluhan.
Mika Salamanca and Bianca de Vera sa opening ng bagong branch ng Awesam Smile sa Taguig nitong Sabado, July 18. Photo by: Nherz Almo
Ipinaliwanag din ni Mika kung bakit hindi sila madalas nakikitang magkasama.
Aniya, “Siyempre, may sari-sarili kaming ginagawa ngayon… Glory to God. At saka po, nasa [magkaibang] networks kami, so hindi po talaga madali and everything. Pero like, okay naman.”
Related gallery: These ex-PBB Celebrity Collab Edition housemates are friendship goals
Samantala, excited na si Mika sa kanyang upcoming movie kasama si Barbie Forteza, ang Saving Cherry.
“Magugulat po kayo sa character ko kasi I never played a character like this before. It was a challenge for me. Yeah, sobrang wild,” maiksing paglalarawan niya sa kanyang role sa naturang pelikula.