GMA Logo Mika Salamanca, Will Ashley
Courtesy: mikslmnc IG, willashley17 IG
What's Hot

Mika Salamanca, hanga sa acting skills ni Will Ashley?

By EJ Chua
Published July 15, 2026 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

New Voices Breaking Barriers: GMA Lifestyle Launches Young Achievers Series Podcast
BigBang is coming to Manila in 2027
NorthMin cops told to stay neutral online amid Duterte trial

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca, Will Ashley


Looking forward si Mika Salamanca na muling makatrabaho ang PBB ex-housemate na si Will Ashley.

Sinagot ni Mika Salamanca ang tanong kung gusto ba niyang makatrabaho ulit soon ang fellow Sparkle star niya na si Will Ashley.

Sa showbiz report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, nagbigay ng pahayag si Mika tungkol dito at inilarawan pa niya si Will.

“Isa si Will sa mga pinaka-hinahangaan ko sa pag-arte even before pa Pinoy Big Brother. Working with him would be really exciting,” sabi niya.

Matatandaang naging magkatrabaho ang dalawa bilang co-stars sa recently concluded collab series na The Secrets of Hotel 88.

Sina Mika at Will ay unang nagkasama sa loob ng Bahay Ni Kuya sa reality competition na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa Big Night ng collab series, itinanghal na Kapuso Big Winner si Mika, habang si Will naman ay Kapuso Second Big Placer.

Kamakailan lang ay nag-viral ang duet nina Mika at Will habang nasa loob ng isang sasakyan.

Pareho silang member ng Pamilya De Guzman, kung saan kasama nila sina Shuvee Etrata, Esnyr, at kanilang Mowm na si Klarisse De Guzman.

Related gallery: Meet the members of Pamilya De Guzman