
Nagkaroon ng album launch ang PBB Celebrity Collab Edition Kapuso Big Winner na si Mika Salamanca para sa debut EP niyang Mahika, na ginanap sa SM North EDSA Skydome noong Sabado, May 30.
Dinaluhan ito ng kanyang fans at ilang dating PBB Celebrity Collab Edition housemates.
Una nang inilabas ang Mahika noong Biyernes, May 29. Binubuo ito ng anim na awitin: "Kasalanan," "Ay, Siya Na Nga?" "Core Memory," "Bilog Ang Mundo," "Ipanalo," at "San Tayo Next."
Samantala, bago pa man makapag-release ng EP ay nakapaglabas na ng mga kanta si Mika--ang sarili niyang rendition ng 2010 hit song na "Sino Nga Ba Siya" at ang duet single niya sa PBB Celebrity Collab Edition Kapamilya Big Winner na si Brent Manalo, ang "What If Tayo."
Congratulations, Mika Salamanca!