
Namahagi ang Sparkle artist na si Mika Salamanca ng kanyang librong isinulat, ang "Lipad", sa mga bata sa isang outreach program sa Manila.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, sinabi ni Mika na isang special moment ito para sa kanya.
"Sobrang espesyal po sa akin kasi pasok pa rin siya sa kuwento nung libro po na babasahin ko sa kanila. And sana tulad ng lagi kong sinasabi 'pag nagbu-book reading ako, madala nila 'yung kuwento ni Mahika, hindi lang ngayon, pati pagtanda nila, madala nila sa puso nila," sabi niya.
Ang "Lipad" ang unang libro ni Mika. Ni-launch ito sa Manila International Book Fair noong September 2025.
Kuwento ito ng batang diwata na si Mahika, na pakiramdam niya ay hindi siya sapat o mahalaga dahil maliit at naiiba ang kanyang mga pakpak.
Ayon kay Mika, inspired sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay ang kuwento ni Mahika. At ang librong ito ay katuparan ng kanyang pangarap na maging isang children's book author.
Video courtesy of GMA News (YT)
Related content: Mika Salamanca, ipinakilala si 'Mahika' mula sa librong 'Lipad'