
Ilang araw bago sila tumulak papuntang South Korea para sa shooting ng season two ng Running Man Philippines, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com sina Mikael Daez, Buboy Villar, at Lexi Gonzales.
Naunang inanunsyo ng Runners sa All-Out Sundays noong Linggo January 7 na magiging “winter edition” ang upcoming season.
Nagpaabot ng mensahe sina Buboy Villar at Mikael Daez sa fans ng Running Man Philippines na matagal ng nag-aabang sa kanilang pagbabalik. Matatandaan na umere ang finale ng kanilang first season noong December 2022.
Sabi ni Buboy, “Excited din po kami. Kung ano po 'yung nararamdaman n'yo ganun din po 'yung nararamdaman namin.”
Dagdag niya, “Kasi ang ingay naman ng mga fan ng Running Man, kung gaano sila kaingay ngayon, ganun din po ang nararamdaman namin.”
Sinegundahan naman ito ni “The Captain” Mikael Daez na may iniwang pangako sa Pinoy Runners.
Aniya, “Pero sa lahat ng nag-aabang ng season two, maraming-maraming salamat. Nakikita [at] nababasa namin 'yung suporta n'yo sa mga iba't-ibang social media sites. Excited talaga sila sa Facebook, YouTube, sa TikTok. Asahan n'yo mas marami kayo mati-TikTok tungkol sa mga pinagagawa namin sa Korea.”
Para naman kay Lexi, naniniwala siya na mas matindi ang mga haharapan nilang mga mission at challenges sa season two: “Tsaka based sa teaser it's gonna be a tougher, crazier, more challenging season. Yun lang 'din 'yung alam namin.”
PATOK NA RUNNING MAN PH VIDEOS SA YOUTUBE:
Samantala noong Linggo rin ng gabi, may heartwarming message rin si Ruru Madrid para sa mga co-Runners niya at inamin nito na mami-miss niya ang mga ito.
Post ni Ruru sa X, “Goodluck sa inyo para sa season 2 ng RMPH! Gusto ko lang sabihin sa inyo na sobrang mamimiss ko kayo! Galingan niyo lagi sa bawat Missions niyo at laging tatandaan na CHILL lang haha! Mahal ko kayong lahat!
“Hanggang sa muli nating pagtakbo ng magkakasama! Let's Go RunningMan!”
Goodluck sa inyo para sa season 2 ng RMPH! Gusto ko lang sabihin sa inyo na sobrang mamimiss ko kayo! Galingan niyo lagi sa bawat Missions niyo at laging tatandaan na CHILL lang haha! Mahal ko kayong lahat! ♥️
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) January 7, 2024
Hanggang sa muli nating pagtakbo ng magkakasama! Let's Go RunningMan! pic.twitter.com/Y1mTxe59rT
Sinabi ni Mikael na nalulungkot siya na hindi nila makakasama si Ruru sa upcoming season.
Lahad niya sa GMANetwork.com, “Ako sa totoo lang nakakalungkot talaga na wala si Ruru [Madrid]. Sobrang nakakalungkot,”
Pero muling pinaalala ng BFF ng Kapuso actor na si Buboy na magkakaroon ng special participation ang Black Rider star.
Saad ng Kapuso comedian, “Tsaka may special participation pa rin naman po siya, kaya ilo-look forward pa rin.”