GMA Logo mikael daez and megan young
Courtesy: mikaeldaez (IG)
What's on TV

Mikael Daez, Megan Young sport new hairstyles to bid goodbye to 'Royal Blood' characters

By EJ Chua
Published September 18, 2023 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

mikael daez and megan young


Nagpaalam na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang 'Royal Blood' characters sa pamamagitan ng couple makeover.

Kasabay ng finale week ng GMA series na Royal Blood, nagpaalam na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang mga karakter sa serye.

Nito lamang nagdaang weekend, ibinahagi ni Mikael sa Instagram na sabay silang nagpa-makeover ng kanyang asawa na si Megan.

Sa latest post ng aktor, makikita ang ilang larawan nila ni Megan, kung saan kapansin-pansin ang kanilang bagong styles.

Mababasa sa caption ng aktor ang pagpapaalam nila sa kanilang roles sa naturang murder mystery drama.

Ayon sa caption ni Mikael, “New lewk, hu dis? Goodbye to Kristoff and Diana [heart emoji] #RoyalBlood.”

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Napapanood si Mikael sa Royal Blood bilang si Kristoff, ang ambisyosong half-brother ni Napoy (Dingdong Dantes).

Si Megan naman ay kilala sa serye bilang si Diana, siya ang ex-girlfriend ni Napoy na nagpakasal sa mas mayamang half-brother ng huli na si Kristoff (Mikael Daez).

Ngayong Lunes ng gabi, September 18, kaabang-abang ang rebelasyon tungkol sa tunay na killer ni Gustavo Royales, ang karakter ni Tirso Cruz III sa programa.

Tumutok sa huling linggo ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.