Off-cam kulitan ng 'Royal Blood' actors

Patuloy na umaani ng papuri mula sa manonood ang cast na bumubuo sa murder mystery drama na Royal Blood dahil sa mahusay nilang pagganap.
Ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kasama sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos. Matutunghayan din dito ang natatanging pagganap ni Tirso Cruz III, pati na sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.
Pero gaano man kainit ang mga eksena nila on cam, kitang-kita naman ang closeness off-cam ng cast ng Royal Blood.














