GMA Logo mike tan
What's on TV

Mike Tan, may gustong baguhin sa kasal nila ng kanyang asawa

By Jimboy Napoles
Published December 28, 2023 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

mike tan


Kung may gusto raw i-repeat sa kanyang buhay ang aktor na si Mike Tan, 'yun ay ang kasal nila ng kanyang asawa.

Bumisita kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda ang dalawa sa mga aktor ng bagong Kapuso serye na Love. Die. Repeat. na sina Mike Tan at Victor Anastacio.

Dahil ang kanilang programang Love. Die. Repeat., tinanong ng batikang TV host ang dalawang aktor kung anong kaganapan sa kanilang buhay ang nais nilang balikan o i-repeat?

“In Love. Die. Repeat, if you can repeat one moment in your life, ano 'yun at bakit?” tanong ni Boy Abunda sa dalawa.

Sagot ni Mike, “Our wedding.”

Paliwanag niya, “Parang ang saya lang, kasi everytime na nag-aaway, I mean, nagkakaroon kami ng pagtatalo ng asawa ko, lagi namin pinag-uusapan, 'Alam mo, every time, kapag nagkakaroon tayo ng pagtatalo, dapat pinapanood natin 'yung wedding videos natin, e.'”

“Ako naman, gusto ko siyang balikan na parang sana mas perfect lang 'yung panahon, sana hindi lang umulan,” ani Mike.

“Parang simple details lang. Ang saya lang laging isipin na papakasalan mo ulit 'yung taong mahal mo,” dagdag pa niya.

RELATED GALLERY: LOOK: Hottest photos of celebrity dad Mike Tan

Para naman sa comedian-actor na si Victor, “Pasko ngayon, ako talaga mahal na mahal ko 'yung Pasko kasi family time. 'Yun lang, together lahat and then diyan nagkikita-kita mga magkakaibigan, cast party, talagang ano siya it's all about community and unity.”

Ang Love. Die. Repeat ay comebeck teleserye ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, kung saan first time niya ring makakatambal ang aktor na si Xian Lim.

Samantala, sa panayam pa ni Boy kina Mike at Victor, ibinahagi ng una ang magiging takbo ng serye na may kinalaman sa second chance.

Kuwento ni Mike, “It's a story about, kung paano mo magagawang tama 'yung past mistakes mo. Pero bago mo magawa iyon, kailangan may ma-sacrifice muna ulit.”

“Sa story na ito, kailangan may mamamatay muna saka gagana 'yung powers ni Jennylyn Mercado para ma-reverse ulit 'yung oras at bumalik sa present at dun siya ulit magkaka-chance para itama 'yung maling nangyari,” dagdag pa niya.

Magiging kaabang-abang din ang karakter ni Mike sa serye bilang isang kontrabida. Ayon sa aktor, bibihira lamang siyang makagawa ng offbeat role kung kaya't agad niya itong tinanggap.

Abangan ang Love. Die. Repeat. Sa January 15 sa GMA Telebabad.