GMA Logo Beauty Gonzalez, Mike Tan
Courtesy: GMA Network, GMA Drama
What's on TV

Mike Tan, may witty reaction sa suntok ni Beauty Gonzalez sa 'House of Lies'

By EJ Chua
Published April 15, 2026 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
UAAP: Adamson eliminates UP from Final Four contention
Planned transport strike in Bacolod on April 16, 17 not pushing through

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez, Mike Tan


Mike Tan kay Beauty Gonzalez sa 'House of Lies': “Pwede bang Beauty Gonzalez na lang kalaban ni Manny [Pacquiao]?"

Isa na namang kulitan moment nina Mike Tan at Beauty Gonzalez ang kinagiliwan ng viewers at fans ng intense drama series na House of Lies.

Mapapanood ito sa isa sa videos ni Mike sa kanyang TikTok account.

Tampok dito ang eksena nila ni Beauty, kung saan naranasan at nakatikim siya ng napakalakas na suntok mula sa aktres. Ipinasilip ni Mike sa video ang eksena na ipinalabas sa serye at ang kulitan nila matapos kuhanan ang naturang suntok scene.

Sulat ng Kapuso actor sa caption, “Pwede bang Beauty Gonzalez na lang kalaban ni Manny [Pacquiao]?"

Mababasa naman sa comments section ang positive reactions ng viewers at netizens tungkol dito.

@aymiketan Beauty VS Manny 🥊😜 #fyp #foryoupage #foryou #trending #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound - Mike Tan

Related gallery: Kilalanin ang cast ng 'House of Lies'

Sina Beauty at Mike ay napapanood sa serye bilang mag-asawa na sina Marj at Paolo Torrecampo.

Ano na kaya ang susunod na mangyayari kay Marj at sa mga miyembro ng pamilya Torrecampo?

Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies.

Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.