GMA Logo Mikee Quintos and Heaven Peralejo
Source: mikee (IG)
What's on TV

Mikee Quintos at Heaven Peralejo, bukas gumawa ng GL project

By Kristian Eric Javier
Published May 5, 2026 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Group files graft, misconduct raps vs DOTr officials over Stradcom contract
Kirk Bondad explains the difference between male and female pageant walks
30 endangered Rafflesia mira found in Davao Oriental

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos and Heaven Peralejo


Ang magkaibigan na sina Mikee Quintos at Heaven Peralejo, gustong magsama sa isang proyekto.

Matagal nang besties sina Mikee Quintos at Heaven Peralejo pero hindi pa sila nagkasama sa isang proyekto. Ayon sa dalawang aktres, gusto nila gumawa ng project na kasama ang isa't isa at sa katunayan, open sila magkaroon ng GL o girls' love na project.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 4, tinanong sila ni King of Talk Boy Abunda kung meron ba silang relasyon. Ngunit bago pa nakasagot ang dalawa, binitin muna ito ng batikang host para mag-commercial break.

Sa pagbabalik ng show, tinanong sila kung gusto ba nilang magkaroon ng isang proyekto na magkasama.

Sagot ni Heaven, “GMA, baka naman!”

Nang tanungin naman sila kung anong proyekto ang naiisip nilang gawin, sabi ni Mikee, “Tito Boy, may binitin kang tanong kanina, e di bigay na natin sa kanila 'yun. I think that would be fun.”

Na sinang-ayunan din ni Heaven.

Dagdag pa ni Mikee, kung gagawa rin lang siya ng GL project, gusto na niyang makasama rito si Heaven lalo na at komportable na siya sa aktres.

KILALANIN ANG PINAKA NAKAKAKILIG NA GL LOVETEAMS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, inamin din nina Mikee at Heaven na magkaiba ang proseso nila pagdating sa pag-atake sa kanilang mga roles. Kung ang Kapamilya star ay mas instinctive, inaaral at mas method acting naman ang sa Kapuso actress.

Sa huli, sinagot na rin nila ang nabitin na tanong ng King of Talk na wala silang relasyon sa isa't isa.

Sabi pa ni Mikee, “Wala talaga, hindi talaga. Hindi ba halata?”

Panoorin ang panayam kina Mikee at Heaven dito: