
Pati sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, aminadong nabitin din sa finale ng The Lost Recipe.
Halos dalawang linggo na nang mamaalam sina Mikee and Kelvin bilang sina Chef Apple at Chef Harvey mula sa The Lost Recipe.
Kuwento nila, nasubok daw ang cast members, staff at crew ng programa sa huling bahagi ng kanilang production ngunit proud at satisfied sila sa kinalabasan nito. Gayunpaman, hindi rin maiwasan ng dalawa na makaramdam ng pagkabitin.
Ani Mikee, “Nung umere 'yung last episode, lahat kami naging sentimental na. 'Ang sakit, ang sakit.' Naiiyak ako.”
Pagpuri rin niya sa husay ni Kelvin, “Ang galing mo doon, doon sa video lalo. Alam mo noong pinapanood ko 'yung scene na 'yun, feeling ko kausap mo ako. Kasi noong umere sa TV that night, first time ko ding napanood dahil wala ako nung tine-take ni Kelvin 'yung eksenang 'yun. So first time ko rin makita, 'yung line marinig. So noong napapanood ko siya, feeling ko si Apple ako dito sa bahay.”
Gaya ng kanilang fans at tagasubaybay ng kanilang programa, nais din daw ng dalawang Kapuso stars na magpatuloy pa ang kuwento nina Chef Harvey at Chef Apple.
Wika ni Kelvin, “Sana may book two kasi gusto ko ipakita 'yung naging realizations ni Harvey, 'yung struggles niya, para ma-justify sa mga manonood kung paano siya nakabalik, or kung siya ba talaga 'yun or ibang tao na, 'di ba? Maaaring ganun. Or kung sakaling magkakaroon ng book two, gusto kong i-justify kung paano 'yung naging struggle ko sa loob ng time loop. Kasi mahirap makabalik eh into the present pag galing ka sa time loop, kasi 'yun 'yung sumpa mo eh.
“Sana, sana magkaroon ng chance na magkaroon ng book two. And kung sakali, kung hindi naman book two, movie 'di ba. The Lost Recipe the movie. Kabuuan.”
Dagdag din ni Mikee, “Or bagong show!”
Wala pa mang balita tungkol sa inaabangang sequel ng The Lost Recipe, patuloy ang pagpapakilig nina Mikee at Kelvin nang ilabas ng GMA Music ang kanilang duet na “Two of a Kind.”
Inamin din nila na tunay ang nararamdaman nilang kilig sa isa't isa nang makipag-bonding sila sa members ng Kapuso Brigade.
Ang Kapuso Brigade ang exclusive online community ng Kapuso fans. Kung nais n'yong mapabilang dito at maka-bonding din ang inyong paboritong Kapuso stars, i-message lang ang Kapuso Brigade sa kanilang Facebook, Twitter, o Instagram.
Samantala, silipin ang sweetest photos nina Mikee at Kelvin sa gallery na ito: