GMA Logo Kelvin Miranda and Mikee Quintos
What's Hot

Mikee Quintos at Kelvin Miranda, nakakaramdam ba ng pressure na magpakilig ng fans?

By Maine Aquino
Published April 14, 2021 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda and Mikee Quintos


Ikinuwento nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ang sikreto sa pagpapakilig ng kanilang fans.

Inamin nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda na kinikilig sila isa't isa, pero mayroon ba silang pressure na nararamdaman na magpakilig ng fans?

Successful ang tambalang MiKel sa kanilang unang project na The Lost Recipe. Kaya naman inalam ng GMANetwork.com kung ano ang kanilang pakiramdam na ngayon at isa sila sa mga sinusubaybayang love teams.

Kuwento ni Mikee, hindi nakaka-pressure ang magpakilig dahil natural na ito para sa kanilang dalawa ni Kelvin.

"Feeling ko that's why it worked nga somehow 'cause we were not pressured before. We weren't really trying."

Dugtong pa ni Mikee, kung ano ang nakikita ng fans on screen pati sa social media posts, 'yun ay normal sa kanila ni Kelvin.

Kelvin Miranda and Mikee Quintos

Photo source: @mikee (IG)

"Yun lang kami, ganon lang talaga kami mag-asaran talaga. Guwapo naman si Kelvin. It's not that hard."

Saad pa ni Mikee, hanggang sa nag-e-enjoy sila sa kanilang tambalan, hindi mawawala ang kilig sa kanilang dalawa.

"As long as we both are enjoying what we're doing I think it's gonna come naman."

Si Kelvin ay inamin na wala ring pressure para sa kaniya ang pagpapakilig ng tambalang MiKel.

"Hindi. Masaya ako na may mga kinikilig sa atin actually

"Kasi nasi-share natin 'yung nararamdaman natin sa kanila. Kung hindi tayo kinikilig sa isa't isa, hindi rin sila kikiligin sa atin e. Masaya ako na nararamdaman nila 'yung nararamdaman natin.

Pagkatapos ng kanilang pagganap bilang Harvey at Apple sa The Lost Recipe, may nilabas na bagong proyekto sina Kelvin at Mikee. Ito ay ang single na "Two Of A Kind" mula sa GMA Music.

Tingnan ang mga sweet photos nina Mikee at Kelvin: