
Sa part two ng Tadhana: The Sisters, dahil sa pagiging mabait at matalino ni Madel (Mikee Quintos), naging madali para sa campus crush na si Tupe (Kimson Tan) na magustuhan ang dalaga. Hindi naman ito ikinatuwa ng stepsister ni Madel na si Krista (Klea Pineda).
Kaya naman isang kaguluhan sa kanilang paaralan ang gagawin ni Krista para masira at malayo ang loob ni Tupe kay Madel. Sa kabila ng pagpapaliwanag ni Madel, mas paniniwalaan ng kanilang ama si Krista! Tuluyan na nga bang mawawalan ng pamilya si Madel?
Abangan sina Mikee Quintos, Klea Pineda, Kimson Tan, Andrea Del Rosario, Joshua Zamora, Via Veloso, Momshie Odille at Jayjay Jonson! Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: The Sisters Part 2 ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.