
Sa first part ng Tadhana: The Sisters, buong akala ni Madel (Mikee Quintos) ay wala na siyang pamilyang uuwian nang pumanaw ang kaniyang ina.
Pero sa tulong ng kaniyang ninang, makikila niya ang kaniyang tunay na ama!
Hindi naman matatanggap ng mag-inang Hedda (Andrea Del Rosario) at Krista (Klea Pineda) ang pagdating ni Madel sa kanilang pamilya.
Kaya naman gagawin nila ang lahat, mapahirapan lang ang dalaga!
Abangan sina Mikee Quintos, Klea Pineda, Kimson Tan, Andrea Del Rosario, Joshua Zamora, Via Veloso, Momshie Odille, at Jayjay Jonson sa Tadhana: The Sisters.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: The Sisters ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.