GMA Logo mano po legacy
What's on TV

Mikee Quintos at Paul Salas, bitbit sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' ang mga natutunan mula sa past projects

By Marah Ruiz
Published October 31, 2022 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

mano po legacy


Alamin kung ano ang naging challenging para kina Mikee Quintos at Paul Salas sa bago nilang seryeng 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Excited na ang Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas na maipalabas ang upcoming family drama series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Kahit nagkatrabaho na sila dati, ito ang una nilang serye bilang magkarelasyon. Gaganap sila sa serye bilang isang young Filipino-Chinese couple na magtatayo at magpapalago ng kanilang negosyo.

Si Paul ay si Leopoldo na galing mula sa isang payak na pamilya at nangagarap magtayo ng sarili niyang negosyo. Si Mikee naman ay si Carmen na galing din sa isang simpleng pamilya pero mapapalago niya ang kanilang negosyo dahil sa kanyang angking talino at diskarte.

PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE

Bago ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters, galing sina Paul at Mikee sa magkahiwalay na shows na parehong naging matagumpay.

"'Yung pressure lang is paano namin mapapakita sa mga tao na ibang character naman ito. Hindi nila ako makikita as Martin na kontrabida [mula sa Lolong]. Hindi nila mikikta si Mikee as Ning [mula sa Apoy sa Langit], and hindi nila makikita si Paul and Mikee as kami.

"Gusto namin makita talaga si Leopoldo Chua at si Carmen na nagbi-build ng empire na nagpapayaman. Hopefully, nagawa naman namin kasi feeling naman namin nag- hardwork din kami sa isa't isa," pahayag ni Paul sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bitbit din daw nila ang mga natutunan sa kanilang past projects.

"I think I can say na both of us, Paul and I, siya sa Lolong at ako sa Apoy Sa Langit, 'yung dalawang show na 'yun na sabay naming tinrabaho, [malaking tulong] siya sa amin as a couple. It helped me grow as an actress and I saw his growth sa Lolong firsthand. Pinagdaanan niya 'yung Lolong. Nag-grow siya doon. 'Tapos ako, pinagdaanan ko 'yung Apoy," kuwento ni Mikee sa parehong panayam

Dagdag ng aktres, "Kung ano 'yung mga ginawa namin at ibinigay namin sa mga lock-in na 'yun, 'yun 'yung nag-equip sa amin para kayanin namin na mag-work together. I think it's all perfect timing and I'm glad that I get to use the skills I'm learning with someone who I know appreciates it in a deeper level. 'Yun 'yung happy feeling sa set na ang sarap na alam mong may napa-proud sa iyo na first hand nakikita."

Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

Bukod kina Mikee at Paul, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, Angel Guardian at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE DITO: