
Ang real life Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Ito ang pangalawang beses na magtatambal sila para sa Regal Studio Presents matapos gumanap sa episode na "Love, Share, Subscribe" last year.
Sa bagong episode naman na "Honeymoon for Three," gaganap sina Mikee at Paul bilang newlyweds na tila nightmare ang honeymoon.
Si Paul ay si Nicolas na nagkamali sa dates ng booking ng hotel para sa honeymoon nila ni Margo, played by Mikee.
Makakahanap kaagad si Nicolas ng ibang accomodation, salamat sa kaibigan niyang si Billie--karakter naman ni Sarah Holmes.
Si Billie ang may-ari ng resort at all out ang paghahanda niya para sa mag-asawa.
Pero mapapansin ni Margo na tila sinasabotahe ni Billie ang honeymoon nila ni Nicolas.
Bukod dito, tila masyado yatang close sina Nicolas at Billie para maging simpleng magkaibigan lang.
Magiging bitter experience ba ang honeymoon nina Nicolas at Margo? Sino ba si Billie sa buhay ni Nicolas?
Abangan ang kuwentong 'yan sa "Honeymoon for Three," February 12, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: