GMA Logo Mikee Quintos, Paul Salas, Donnalyn Bartolome
Source: Donnalyn Bartolome (YouTube) 
Celebrity Life

Mikee Quintos at Paul Salas, nakisaya sa birthday party ni Donnalyn Bartolome

By Jimboy Napoles
Published August 15, 2022 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos, Paul Salas, Donnalyn Bartolome


Star-studded din ang naging birthday party ng vlogger na si Donnalyn Bartolome kasama ang Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas.

Spotted ang celebrity couple at Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Paul Salas sa trending na "kanto" themed birthday party ng sikat na vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Sa YouTube vlog at mga larawan na inilabas ni Donnalyn mula sa kanyang 28th birthday celebration noong July 9, makikita na game na game sina Mikee at Paul na naki-"shot puno" para sa kanilang kaibigan at nakisaya pa sa mga palaro ng social media star.

Bukod kina Mikee at Paul, naki-party rin sa nasabing birthday celebration ang Kapuso actor na si Andre Paras at dating Owe My Love star na si Jelai Andres.

Source: Donnalyn Bartolome (YouTube)

Masaya naman ang vlogger na si Donnalyn na muling magdiwang ng kaarawan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan habang binalikan ang kanyang simpleng pinagmulan.

Kuwento niya, "Naisip kong mag-kanto birthday party kasi may time sa buhay ko na umalis ako sa amin [dahil] gusto ko i-pursue 'yung singing career ko, 'yung pag-a-artista ko, kaya umalis muna ako sa bahay namin.

"Naranasan ko 'yung sobrang hirap, para payagan ako na gawin 'to kailangan kong patunayan sa mga magulang ko nung time na yun na tama itong choice ko kaya naghirap talaga ako ng sobra-sobra."

Dagdag pa niya, "Isa siya sa memorable para sa akin kasi nag-enjoy ako, 'yung mga time na alam mo 'yung walang-wala ka pa pero kasama mo 'yung mga taong masarap kasama, mahal ka, 'yung mga totoo sa'yo kaya gusto kong i-relieved 'yung moment na 'yun sa buhay ko."

Source: Donnalyn Bartolome (YouTube)

Ngayon ay nasa halos 4 million views na sa YouTube ang birthday vlog na ito ni Donnalyn.

Samantala, napapanood naman ngayon ang aktres na si Mikee sa pinag-uusapang GMA Afternoon series na Apoy Sa Langit habang kasalukuyan namang napapanood ang aktor na si Paul sa bagong GMA action series na Lolong.

TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NINA MIKEE AT PAUL SA GALLERY NA ITO: