What's on TV

Mikee Quintos, ipinasilip ang kanyang BTS collection

By EJ Chua
Published August 12, 2021 3:20 PM PHT
Updated August 12, 2021 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

mikee quintos bts merch


Naging inspirasyon ni Mikee Quintos ang K-pop group na BTS upang makabangon sa krisis sa buhay.

Ibinahagi ni Kapuso actress-singer Mikee Quintos ang kwento sa likod ng kanyang BTS merch collection.

Sa kanyang pagbisita sa programang Mars Pa More, kapansin-pansin na blooming at glowing ang Kapuso actress.

Sa kabila nito, nagulat ang mga host ng programa nang ikwento ni Mikee na dumaan siya sa krisis noong 2020 dahil sa pandemya.

Dahil dito, sabi ni Mikee, "Umabot ako sa point na inisip ko kung gusto ko pang mag-artista."

Ayon sa aktres, malaking parte ang ginampanan ng K-pop idols na BTS para malagpasan ang krisis na ito.

"Tapos bumalik yung fire ko, yung drive ko after watching them [BTS], and hearing about them yung story nila na how they started.

"It was really hard nung umpisa. And look at them now…

"Okay, if they can do that and they're still humble, so parang what's wrong with starting again,” pagbahagi ni Mikee.

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

Dito na rin nagsimulang mahumaling si Mikee sa pagbili ng ilang BTS merch.

"When I see it in the store, I buy it kasi napapa-happy ako. Support ko 'to sa kanila. Kikita sila rito kapag bumili ako,” sabi ni Mikee.

Ilan sa kanyang collection ay ang BTS coffees, pillows, posters, sandamakmak na pictures, cards, stickers, at iba pang produkto.

Ayon sa aktres, hindi niya namalayan na parami na nang parami ang kanyang BTS collection.

Matapos ma-inspire nang todo sa K-pop group na BTS, muling nabuhayan si Mikee na magpatuloy sa pag-arte sa telebisyon at payabungin pa ang kanyang pangalan sa larangan ng musika.

Kaugnay nito, nag-promote na rin si Mikee tungkol sa kanyang next single. sa kanyang guest appearance sa Mars Pa More.

Sa patuloy na pagiging fan ni Mikee sa sikat na grupo, masayang ibinahagi ng aktres na kabilang siya sa BTS Army, ang popular na tawag sa avid fans ng BTS.

Kasalukuyang napapanuod ngayon si Mikee Quintos sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento.

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

Bago tuluyang bumida sa programa, matindi rin ang pinagdaan ni Mikee rito.

Sa dating panayam ng 24 Oras, inamin ng Kapuso actress na halos nawalan na siya ng pag-asa sa pangsungkit sa role bilang si Elsa na partner ni Pepito.

Maraming beses na sumabak sa audition si Mikee bago tuluyang makamit ang inaasam na role.

“I went through four auditions to get Elsa and honestly ang dami ko nakasabay and iniisip ko na nung point na 'yun na, 'okay kung hindi ito para sa akin, at least tinary ko 'yung best ko.

Parang ganun na 'yung thinking ko nun, so siyempre nagulat ako when they announced nga na we got the role and sobrang na-excite, first-time ko mag-comedy,” sabi ni Mikee.

Kilalanin ang co-actors ni Mikee sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento: