
Sulit ang hirap at pagod ng actress-singer na si Mikee Quintos para sa big Kapuso project na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Siya ang napili ng network na gumanap sa title role na young Elsa.
Sa upcoming prequel ng sitcom na ipapalabas bukas ng gabi, July 17, ipapakita ng show ang buhay nina Pepito, played by Sef Cadayona, at ni Elsa noong teenage years nila sa Caniogan.
Sa panayam kay Mikee sa 24 Oras, halos mawalan na daw siya ng pag-asa na masusungkit ang role, dahil sumabak siya sa apat na audition.
Pagbabalik-tanaw niya, “I went through four auditions to get Elsa and honestly ang dami ko nakasabay and iniisip ko na nung point na 'yun na, 'okay kung hindi ito para sa akin, at least tinary ko 'yung best ko.'
“Parang ganun na 'yung thinking ko nun, so siyempre nagulat ako when they announced nga na we got the role and sobrang na-excite, first-time ko mag-comedy.”
Bagong environment para sa Boys Love series actor na si Kokoy de Santos ang pagsabak niya sa sitcom--- siya ang napiling gumanap na bestfriend ni Pitoy na si Patrick.
“Ibang-iba kasi talaga ang comedy, e,” pagsasalarawan niya sa show.
Dagdag ni Kokoy, “And sa akin 'yung pressure talaga, hindi maalis yan, e, kahit saang bagay iba lang talaga 'yung ngayon. And kung iisipin mo, iba rin kasi, may iba kang makakasama, sobrang na-appreciate ko kasi alam mong inaaalalayan ka nila, nung bawat ka-trabaho mo.”
Heto ang paunang sulyap sa mga aabangan na eksena sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa gallery below.
Related content:
Paano pinili ang cast ng 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento?'
LIST: 7 reasons to watch 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'