GMA Logo Mikee Quintos, kate valdez
What's on TV

Mikee Quintos, kinumusta ang fans at viewers sa 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published June 27, 2025 11:02 AM PHT
Updated June 27, 2025 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire breaks out in residential area in Makati
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos, kate valdez


Marami ang nalungkot sa naging kapalaran nina Lira at Mira sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

Isang madilim na kabanata ang tuluyang nagsimula sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kagabi (June 26), nasaksihan ng viewers ang matinding digmaan sa pagitan ng mga taga-Mine-a-ve at Encantadia.

Isa sa mga pinaka ikinagulat at ikinalungkot ng fans ay ang pagkawala ng kinagigiliwang duo na sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez). Hanggang sa huli, buong tapang nilang ipinaglaban ang kapayapaan para sa kanilang tahanan at pamilya.

Matapos ang emosyonal na episode, agad kinumusta ni Mikee ang viewers at fans. Kalakip ng kanilang behind-the-scenes photos ni Kate, isang simpleng tanong ang iniwan niya sa caption.

"Kaya niyo pa ba?" ani Mikee.


Marami ang agad nagbuhos ng kanilang kalungkutan online, hindi pa raw handang magpaalam sa dalawang minamahal na karakter.

May ilan namang idinaan sa nakakatawang komento ang sakit ng nangyari kina Lira at Mira, para kahit papaano'y gumaan daw ang pakiramdam.

Samantala, magpapatuloy ngayong gabi ang matinding digmaan sa pagitan ng mga diwata at ng puwersa ni Kera Mitena (Rhian Ramos).

Lalahok na rin sa labanan si Danaya (Sanya Lopez), matapos lusubin ng mga taga-Mine-a-ve ang mundo ng mga tao.

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang ikaanim na episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre dito: