
Muling mapapanood sina Mikee Quintos at Kate Valdez bilang Lira at Mira sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Si Lira ay anak nina Sang'gre Amihan (Kylie Padilla) at Rama Ybrahim (Ruru Madrid), habang si Mira ay anak ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) sa isang Lireano.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinakita ang pag-uusap nina Lira at Armea (Ysabel Ortega) kung saan pinuri ng una ang bagong Hara (reyna) ng Sapiro.
Samantala, bukod kina Mikee at Kate, magbabalik din si Ruru Madrid bilang Rama Ybrahim ngayong Miyerkules sa Sang'gre.
Huwag palampasin ang mga eksena nina Mikee Quintos at Kate Valdez bilang Lira at Mira sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa " target="_blank">GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: