What's on TV

Mikee Quintos, lumibot sa Divisoria bago magsimula ang 'The Gift'

By Marah Ruiz
Published October 18, 2019 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Bago pa man daw magsimula ang inspiring GMA Telebabad series na The Gift, sinubukan na daw ni Kapuso actress Mikee Quintos na lumibot sa Divisoria.

Bago pa man daw magsimula ang inspiring GMA Telebabad series na The Gift, sinubukan na daw ni Kapuso actress Mikee Quintos na lumibot sa Divisoria kung saan magaganap ang ilang mahahalagang eksena ng serye.

Mikee Quintos
Mikee Quintos

Gusto daw niya kasing ma-experience ang lugar bilang pangkaraniwang mamamayan.

"Ibang kind of immersion kasi 'yung alam nilang artista ka na nandoon ka. I personally went, kasama ko handler ko, isang gabi. Naka-hoodie lang kami. Umikot kami. Gusto ko lang ma-feel. Nanonood ako ng mga tao," kuwento ni Mikee.

Ang naabutan daw niya doon ay ang pagtatapos ng trabaho ng mga nagtitinda sa Divisoria.

"'Yun 'yung oras na tapos na sa trabaho 'yung mga tao. Nakikita mo kung paano sila mag-chill, saan sila kumakain. Sabay sabay pumuwesto na sa gitna 'yung mga kainan. 'Yung mga fishball or 'yung mga lutuan ng ganoon, sa gitna sila ng street kasi lahat ng tao nagtrabaho for the day, kakain na sila doon ng dinner nila," bahagi niya.

Tindera ng mga gamit pambahay at pang kusina ang kanyang The Gift character na si Amor. Swerte naman siyang nakapag-interview ng taong nagtitinda ng kitchenware sa Divisoria.

"Naghanap talaga ko ng nagtitinda ng kitchenware. All year round, ang kinikita ng isang tindera, nasa P300 a day kung ikaw ang magbabantay ng stall daw. Pero pagdating ng Pasko, isang araw daw maliit ang P30,000," ani Mikee.

"Okay din 'yung business 'di ba? Pero for someone na nagtitinda all year round, P300 lang ang rate mo--per day 'yun, imagine how they budget that. Happy na sila doon. Happy na sila na nakakasama nila 'yung iba na kapwa tindera at tindero. Nagiging barkada sila," dagdag pa niya.

Humanga daw siya sa positive attitude ng mga nagtatrabaho doon.

"You see in their faces, noong naglalakad ako around, parang sanay sila sa ganoong buhay. I find it so intriguing. Ang galing ng mga mindset nila and 'yung diskarte--ang galing dumiskarte na at the end of the day makakahanap at makakahanap ng pagkakakitaan. 'Yun ang bilib ko sa Pinoy, kahit gaano kahirap 'yung situation, nagagawa pa ring tumawa," aniya.

Patuloy na panoorin si Mikee Quintos bilang Amor sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

Mikee Quintos, nagsulat ng sariling linya para sa emosyonal na eksena sa 'The Gift'

Netizens, naka-relate sa lihim na pagtingin ni Amor kay Sep sa 'The Gift'