
Masasabi daw ni Kapuso actress Mikee Quintos na mas naging mature siya ngayong marami siyang oras mag-reflect tungkol sa kanyang buhay habang quarantine.
Isa daw ito sa mga malalaking lesson na natutunan niya kamakailan.
"Ito big realization 'to sa akin and big lesson. Minsan naiinis tayo na akala natin hindi tayo nagmo-move forward. Pero sometimes, being mature is going back to square one and being okay with it," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Bukod dito, natuto din niyang pahalagahan ang mga simpleng bagay tulad ng pagkain.
"Don't take food for granted," simple niyang pahayag.
Minsan nang inamin ni Mikee na isa siya sa mga nagse-stress eat ngayong quarantine.
Alamin ang iba pang mga bagay na natutunan ni Mikee habang quarantine dito:
Minsan na ring naikuwento ni Mikee na mas tumibay ang kanyang pananampalataya ngayong quarantine.
Nahihilig din siya muling tumugtog at umawit bilang stress reliever habang nananatili sa bahay.