GMA Logo Mikee Quintos
What's Hot

Mikee Quintos, mas napahalagahan ngayon ang mga nagtatrabaho sa likod ng camera

By Marah Ruiz
Published July 1, 2020 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Mikee Quintos, mas napahalagahan ngayon ang mga nagtatrabaho sa likod ng camera.

Mas na-appreciate daw ngayong ni Kapuso actress Mikee Quintos ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera.

Naranasan na kasi niyang mag-taping mag-isa noong naging bahagi siya ng GMA TeleBahay short film na "Salamat 'Nay" noong nakaraang Mother's Day.

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Mikee na siya mismo ang nag-shoot sa kanyang sarili habang nakikinig sa instructions ng direktor na naka monitor sa kanya via video conferencing.

"Siguro the struggle is 'yun, kasi first time namin gawin 'yun," pagtukoy niya sa virtual instructions hindi lang sa pag-arte pero pati sa pagkuha ng video na mula sa direktor na si Zig Dulay.

Bukod dito, naranasan din niyang gawin mag-isa ang trabaho ng iba pang mga staff at crew sa isang set.

"Ako lahat. Ako makeup, ako art [department], ako set design, ako lahat. Binuhat ko 'yung TV ko at one point para tanggalin siya sa background. Wardrobe, ako din pumili ng damit ko," aniya.

Dahil dito, mas nabigyan daw niya ng pagpapahalaga ang mga tao sa likod ng camera.

"Mas na-appreciate ko 'yung work ng bawat isang tao sa taping on a normal taping day. Kung isang tao lang gumagawa lahat noon mas tatagal lahat. Mahirap siya," pahayag ni Mikee.

"'Yung naging norm namin noong taping na ang bilis--actors in, take, cut, balik ulit sa standby habang nagche-change set up parang akala namin siguro noong mga time na 'yun ang tagal na. Ang tagal naman noong next set up! Pero na-realize ko kung wala 'yung mga taong 'yun mas matagal pa. Mas na-appreciate ko 'yung work ng lahat," dagdag pa niya.

Aminado din si Mikee na gusto na niyang bumalik sa trabaho.

"Because of that din, na-miss ko sila. Na-miss ko mag-taping. Na-miss ko 'yung mga nakatrabaho ko. Sana maging normal na ulit lahat soon," bahagi niya.

Alamin ang iba pang experience ni Mikee sa pagte-tape nang mag-isa sa eksklusibong video na ito:



Habang quarantine, napag-isipan din ni Mikee nang mabuti ang pressure na ibinibigay niya sa kanyang sarili.

Bumalik na rin si Mikee sa vlogging at ibinahagi ang "homelympics" na idinaos niya kasama ang kanyang pamilya.