GMA Logo Mikee Quintos
PHOTO SOURCE: @mikee
What's on TV

Mikee Quintos, may paalala sa mga manonood ng 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published August 27, 2022 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Ano ang paalala ni Mikee Quintos base sa kanyang pinagdaanan bilang Ning sa 'Apoy sa Langit'?

Sa nalalapit na pagtatapos ng Apoy sa Langit, may paalala si Mikee Quintos sa mga manonood na sumubaybay sa kanilang programa.

Ayon kay Mikee, base ito sa kuwento ng pinagdaanan niya bilang Ning at ng kanyang inang si Gemma (Maricel Laxa).

"If there's any message I want to leave sa inyong mga viewers, beware sa lahat ng mga Cesar out there."

Si Cesar ay ang karakter na ginagampanan ni Zoren Legaspi. Sa kuwento ng Apoy sa Langit, si Cesar ay ang manipulative na napangasawa ni Gemma. Siya rin ay ang pumatay sa asawa niya noon.

Apoy sa Langit

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Kuwento ni Mikee sa ginanap na media conference ng Apoy sa Langit, "Beware of manipulation and beware of all the toxicity that's around. Sana matuto na kayo sa pinagdaanan nina Gemma at Ning dito sa show."

Bukod kay Gemma, biktima rin si Ning ng kasamaan ni Cesar ng Apoy sa Langit.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Apoy sa Langit, nagpasalamat naman si Mikee sa init ng suporta ng mga manonood.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Ani Mikee, "Maraming salamat sa pagmamahal ninyo kay Ning, kay Gemma, sa lahat ng characters."

Dugtong pa niya, "Ito na ang pinakahihintay ninyo. Maraming salamat sa pagmamahal. Onting pagliliyab na lang po."

Tutukan ang last few episodes ng Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

SAMANTALA, MULI NATING BALIKAN ANG MGA TUMATAK NA KARAKTER SA APOY SA LANGIT: