GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

'Apoy sa Langit', patuloy na tinututukan sa huling dalawang linggo

By Maine Aquino
Published August 26, 2022 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Guarantee letters vouch for those in need, not political intervention —Rep. Puno
Fire razes 9 firecracker stalls in Barili, Cebu as buyer tests item
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Panalo pa rin sa ratings ang GMA Afternoon Prime drama na 'Apoy sa Langit.'

Patuloy na inaabangan ang bawat eksena sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime drama na Apoy sa Langit.

Sa huling dalawang Linggo ay patuloy na umaani ng mataas na ratings ang programang pinagbibidahan nina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, at Lianne Valentin.

Ang episode nitong August 24, nagtala ng 8.4 rating ang Apoy sa Langit ayon sa NUTAM People Ratings.


PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Ang tinutukang eksena sa episode na ito ay ang pagbigay ni Stella ng mga bato ng kwintas kay Ning. Dito rin nadiskubre ni Ning na si Cesar ang pumatay sa kanyang ama.

Patuloy na tutukan ang painit nang painit pang mga eksena sa nalalabing dalawang linggo ng Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.