What's Hot

Mikee Quintos, may payo sa mga lumalaban para sa kanilang mga pangarap

By Maine Aquino
Published February 9, 2021 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Payo ni Mikee Quintos sa mga pursigido sa pagtupad ng kanilang mga pangarap: “Don't lose that drive.”

Aminado si Mikee Quintos na malapit sa kanyang puso ang kanyang karakter na Apple Valencia sa The Lost Recipe dahil ito ay nag-i-inspire sa kanyang patuloy na lumaban sa kanyang mga pangarap.

Si Apple ay ang aspiring chef na hindi sumusuko hanggang sa makamit niya ang kanyang pangarap na maging successful sa culinary industry.

Kuwento ni Mikee sa GMANetwork.com, ang pagiging pursigido ni Apple ay malapit umano sa katangian ng aktres.

Mikee Quintos
Photo source: @mikee

“'Yun 'yung pinaka-aspect ng character ni Apple na pinakamalapit kay Mikee. 'Yun 'yung thing na pinaka nakaka-relate ako honestly kay Apple as Mikee.”

Hindi napigilan ni Mikee na aminin ang kanyang saya sa kanyang pagganap bilang Apple na nagiging inspirasyon ngayon sa mga manonood.

“Happy ako, sobra.”

Dugtong pa ni Mikee, “Nare-remind ako. Parang ganon 'yung nangyari. Nare-remind ako kung bakit ko 'to naging dream in the first place. Naaalala ko 'yung days when I was teenager na ini-imagine ko 'yung life with a thousand percent drive-in being focused in reaching the goals that I want to reach such a young age.”

Saad pa ni Mikee, naniniwala siya na ang kanilang henerasyon na exposed sa social media ay may nakikitang iba't ibang paraan para makamit ang kanilang mga pangarap.

“I think our generation, maraming mga ganong hearts, 'yung may fire and may passion because sa digital age nga din; we're open to a lot of things. Mas maaga namin na-e-explore na ay gusto ko ng ganito, gusto ko ng ganyan. Iba 'yung drive I think ng generation namin.”

Ikinuwento rin ni Mikee na sana tulad niya, ma-inspire rin ang mga manonood ng The Lost Recipe sa istorya ni Apple.

“I am hoping that the way Apple inspires me as Mikee e ma-transcend 'yun sa screen and inspire young hearts, lahat naman tayo, young at heart 'di ba? Young hearts still don't lose that drive and never give up on chasing their dreams. It's never too late.”

Sa gitna ng pagsubok na hinaharap ng mundo ngayon dahil sa pandemya, ang iba ay pinanghihinaan ng loob sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Dahil dito, nag-iwan si Mikee ng ilang mga payo para patuloy na lumaban sa kung ano mang nais na marating sa buhay.

“Siguro the best advice that I could give is for them to acknowledge how important having a great mindset is. Kailangan ready kang madapa; ready kang matalo. Tanggapin mo lang 'yun as a learning experience lagi.”

Dugtong pa ni Mikee ay magtiwala umano sa diyos at gawin lagi ang best sa ano mang bagay na nakalaan sa isang tao.

“Trust God na may plan siya for you. Oo bigay mo 'yung best mo lagi sa kahit ano'ng gagawin 'cause you never know kung saan ka dadalhin ng mga things at opportunities na lumalapag sa harap mo. Just do your best with everything that you're doing, whatever it is.”

“See things through so you'll find the right path for you.”


The Lost Recipe: Apple's first kilig cooking tutorial with Chef Harvey | Episode 15

Kelvin Miranda at Mikee Quintos, nagpasalamat sa suportang natanggap ng 'The Lost Recipe'