What's on TV

Mikee Quintos, nagdasal para magkaroon ng proyektong tulad ng 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino
Published January 16, 2021 10:00 AM PHT
Updated January 16, 2021 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Ayon sa lead actress ng 'The Lost Recipe' na si Mikee Quintos, isa sa kanyang mga dasal ay ang magkaroon ng isang romcom project.

Inamin ni Mikee Quintos na ang kanyang bagong show na The Lost Recipe ay isang proyektong kanyang ipinagdasal na makamit sa kanyang showbiz career.

Si Mikee ang lead actress ng fantasy-romance series na bagong handog ng GMA Public Affairs. Makakatambal ni Mikee sa The Lost Recipe si Kelvin Miranda. Silang dalawa ang gaganap sa mga karakter nina Chef Apple Valencia at Chef Harvey Napoleon.




Kuwento ni Mikee, malayo ang kanyang role na Chef Apple at ang kuwento ng The Lost Recipe kumpara sa mga dati niyang proyekto. Napanood si Mikee sa ilang mga programa tulad ng Encantadia (2016), Onanay (2018), Sirkus (2018), at The Gift (2019).

Pag-amin ni Mikee, "Sobrang excited!"

Mikee Quintos

Photo source: The Lost Recipe

Dugtong pa ni Mikee, masaya at excited siya sa The Lost Recipe dahil ipinagdasal niya ang project at role na ito.

"Kinukuwento ko nga po lagi sa prod, kila direk, na dahil sa pandemic ang dami kong napanood na K-Drama, at naging fan ako ni Park Seo-joon, ganyan."

"Puro romcom mga shows niya. So ipinagdasal ko noong nanonood ako na sana magkaroon ako ng ganitong show. Parang ang saya," paliwanag ng aktres sa entertainment writers sa ginanap na media conference ng The Lost Recipe nitong January 12.

Isa pa sa inamin ni Mikee sa media conference ay ang pag-aakala niya noon na mahahanay siya sa mga romcom na projects. Sa umpisa ng career ni Mikee ay napunta siya sa ilang mga drama series bago siya bumida sa romance-fantasy series na The Lost Recipe.

“Feeling ko, plinano rin ni God na pagdaanan ko muna 'yun para mas ready akong mag-deliver for projects like this one. It's exciting na iba siya.”

Ayon pa sa kuwento ni Mikee, dahil sa nangyayaring COVID-19 pandemic ay tinanggap niya na umano na baka wala muna siyang makuhang proyekto. Kaya naman laking gulat niya na nagkaroon siya ng show na naaayon pa sa kanyang dasal.

"Tinanggap ko na, na parang sa dami na ngang nangyayari akala ko wala nang ma-e-expect this year. Itong show na 'to, it was a really big surprise and a really big blessing."

Dugtong pa ni Mikee, makakasama niya sa proyektong ito ang mga kaibigan niya sa showbiz.

"Masaya po! Kasama ko pa po mga kaibigan ko sa industriya."

Abangan si Mikee at iba pang cast ng The Lost Recipe ngayong January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

RELATED CONTENT:

Mikee Quintos at Kelvin Miranda, nag-react sa mga pagkukumpara ng 'The Lost Recipe' sa K-Drama

Iba't ibang mga personalidad, humanga sa full trailer ng 'The Lost Recipe'