GMA Logo Mikee Quintos and Kelvin Miranda
What's on TV

Mikee Quintos, inaming kinikilig ang kanyang pamilya sa tambalan nila ni Kelvin Miranda sa 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino
Published January 6, 2021 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos and Kelvin Miranda


Mapapanood na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda bilang Chef Apple Valencia at Chef Harvey Napoleon ngayong January 18 sa 'The Lost Recipe.'

Sa isang exclusive interview ay ibinahagi nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda na handa na silang magpakilig sa kanilang bagong proyekto na The Lost Recipe.

Inamin ni Mikee na kinikilig siya sa kanilang tambalan ni Kelvin. Dugtong pa ng aktres, kahit ang pamilya niya raw ay nakikita ang chemistry nilang dalawa.

Photo source: The Lost Recipe
“I have really big hopes for this team-up. Even within my family actually. For them to say na kinikilig sila sa team-up na 'to and they see potential in it, that's a big validation na for me.”

Dahil umano sa reaksyon ng kanyang pamilya ay mas na-excite si Mikee na ipakita sa mga manonood ang tambalang #MiKel.

Saad niya, “Lalo akong na-e-excite kung ano ang kaya nating abutin with this team-up.”

Samantala, si Kelvin naman na nanalo kamakailan lang ng kanyang Best Young Actor award sa 7th Urduja Heritage Film Awards, sinabing ikinatuwa niya ang naging reaksyon ng mga tao kahit noong ilang litrato pa lang nilang dalawa ang ipinapakita online.


“Nakakatuwa rin po kasi kahit alam nilang first time naming magkakatrabaho, talagang naramdaman po namin na pumatok sa kanila 'yung ganong klaseng materyal sa The Lost Recipe.”

Aminado si Kelvin na may halong kaba rin siyang nararamdaman sa proyektong ito, pero gagawin nilang dalawa ni Mikee ang lahat para maibigay ang kilig sa pagganap bilang Chef Harvey at Chef Apple.

“Nakakakaba kasi siyempre 'yung expectations na nakakakilig. Nakakakaba kasi 'yun nga 'yung expectations nila at sana ma-meet namin 'yun. Sana ma-meet naming dalawa.”

Dugtong naman ni Mikee, gagawin nila ang lahat para maibigay sa mga manonood ang perfect recipe na pampakilig sa bagong proyektong ito.

“We will exceed it if we can.”

Si Mikee ay gaganap bilang si Chef Apple Valencia at si Kelvin naman ay bibida bilang si Chef Harvey Napoleon. Ang kanilang fantasy romance series na The Lost Recipe ay ang bagong handog ng GMA Public Affairs ngayong 2021. Ito rin ang unang tambalan nina Mikee at Kelvin.

Kilalanin ang iba pang cast ng The Lost Recipe na dapat abangan sa nalalapit nitong pagsisimula sa January 18.


Panoorin naman ang teaser nina Mikee at Kelvin bilang Chef Harvey at Chef Apple sa The Lost Recipe.