Celebrity Life

Mikee Quintos, nakaramdan ng 'emotional stress' sa simula ng quarantine

By Marah Ruiz
Published July 10, 2020 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Nakaramdan daw ng 'emotional stress' si Mikee Quintos sa paghihintay ng pagtatapos ng quarantine.

Isa si Kapuso actress Mikee Quintos sa mga nakaramdam ng "emotional stress" habang naka quarantine ang ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa COVID-19.

Dala daw ito na paghihintay niya noon kung kailan matatapos ang lockdown.

"Feeling ko lahat naman tayo [ganoon ang naramdaman]. Siguro iba-iba lang 'yung timeline natin kung kailan natin hinarap or kung paano din natin hinarap 'yung emotional stress na dinala nitong ECQ (enhanced community quarantine)," pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

"Sa akin, personally, mas na feel ko siya sa first few weeks ng ECQ lalo na noong hindi pa natin sure kung kailan matatapos. Every time na akala natin matatapos na biglang mage-extend nang mage-extend," dagdag pa niya.

Hindi daw niya inisip noon na kailangan niyang mag-adjust o magbago sa pag-aakalang babalik kaagad sa normal ang lahat.

"Nahuli ko sarili ko na first few weeks, iniintay kong [matapos ang quarantine]. Hindi ko kailangan masyado mag-adjust. I'm gonna wait it out. Abangan kong matapos 'to and then back to normal. Wala akong kailangan baguhin sa sarli ko. Ganoon 'yung inisip ko noong una," aniya.

Kalaunan, naramdaman na niyang kailangan niyang baguhin ang kanyang pag-iisip para makasabay sa pagbabago ng mga panahon.

"Eventually, siguro mga six to seven weeks in ng ECQ, doon ako nag-start mag-isip kailangan ko tulungan sarili ko emotionally and mentally na hindi ma-stuck dito. I have to do something and work on something," kuwento ni Mikee.

Dito na daw niya sinumulan ang ilang personal na proyekto na maari niyang gawin kahit nasa bahay lang.

Nakatulong din sa kanya ang isa sa mga paalala ng kanyang acting mentor na si Ana Feleo.

"Na-remind ako ng something that our acting mentor told us before. 'Your quality of life is based on the questions you ask.' Siguro because of that shift, nagbago 'yung mga questions na tinatanong ko everyday sa sarili ko," bahagi ni Mikee.

"From the questions na: Kailan 'to matatapos? Paano tayo maga-adjust? Pano tayo magiging normal uli? Nabago siya sa: Ano bang pwede kong gawin ngayon? Anong makakatulong sa akin creatively? Saan ko pwedeng ilabas 'yung creative outlet ko? Saan ko pwedeng gamitin [ang talents ko]?" dagdag pa niya.

Isa daw ito sa mga bagay na nakatulong para bumalik ang kanyang sigla.

"Because of the change in the questions nga, nag-change 'yung mood ko everyday. Mas may gana na ko gumising kasi may purpose na ko bigla ulit," aniya.

Kamakailan, naglabas ng bagong channel trailer si Mikee para sa kanyang YouTube vlog.

Bukod dito, nananatili siyang aktibo sa iba't ibang online shows ng GMA Network tulad ng E-Date Mo Si Idol at GMA TeleBahay.