What's on TV

Mikee Quintos, natikman na ang 'new normal' sa isang experimental short film

By Marah Ruiz
Published June 30, 2020 4:47 PM PHT
Updated August 2, 2020 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Itinuturing na experimental short film ni Mikee Quintos ang GMA TeleBahay project kung saan una niyang naranasan ang 'new normal.'

Nagkaroon na ng experience sa sinasabing "new normal" si Kapuso actress Mikee Quintos.

Narasan na daw niya ito nang naging bahagi siya ng GMA TeleBahay, isang proyekto ng GMA Network na naglalayong makagawa pa rin ng mga dekalidad na palabas kahit nananatili sa bahay.

Tampok si Mikee sa isang short film na pinamagatang "Salamat 'Nay." Nakasama niya dito sina Gilleth Sandico, Mikoy Morales, Raphael Landicho at Neil Ryan Sese.

"Actually 'yung TeleBahay project namin, it was a Mother's Day episode thing. Nakita namin na magma-Mother's Day na. Ano'ng puwede nating gawin para mag-reach out [at] makagawa ng bagong content," kuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Naging paraan daw ito para masubukan ang mga bagong sistema ng pagtatrabaho.

"We saw it as an opportunity din na mag-try ng kung anong puwedeng adjustment na gagawin para makagawa nga ng bagong content para sa mga Kapuso natin out there," bahagi ni Mikee.

"Collective effort 'yun ng buong team para i-try out. Experimental siya. That's the term that we use. It's very experimental," dagdag pa niya.

Alamin ang iba pang naging experience ni Mikee sa 'new normal' sa eksklusibong video na ito:

Samantala, panoorin din ang GMA TeleBahay short film na "Salamat 'Nay" dito:

Noong nakaraang Father's Day, nasundan ang GMA TeleBahay ng dalawa pang short films.

Isa dito ang "Proud Ako Sa 'Yo" tungkol sa mag-amang frontliners na pinagbidahan nina Ricky Davao at Martin del Rosario.

Tampok naman sina David Remo at Super Tekla sa "Beautiful Father" na tungkol sa mag-amang napaghiwalay ng lockdown.