GMA Logo mikee quintos
PHOTO COURTESY: @mikee (Instagram)
What's Hot

Mikee Quintos, ready na bang magmahal muli?

By Dianne Mariano
Published August 6, 2026 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos has standing order to have Bato dela Rosa arrested —Palace
Number coding suspended on August 6 due to inclement weather
Mayor denies Cebu City is supporting Pax Silica project

Article Inside Page


Showbiz News

mikee quintos


Handa na kayang muling umibig ang 'Saving Cherry' actress na si Mikee Quintos?

Mapapanood ang Sparkle star na si Mikee Quintos sa upcoming movie na Saving Cherry, na pagbibidahan ng award-winning Sparkle actress na si Barbie Forteza.

Present ang aktres sa naganap na media conference ng Saving Cherry kamakailan, kung saan tinanong ang cast tungkol sa pelikula, pag-ibig, maging ang kanilang dream wedding, at pagbibigay ng second chances.

Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Mikee na pokus siya sa pagbibigay ng self love habang siya ay single.

“Totoo 'yung mga sinasabi ng tao, when you're single, you have more time to love yourself and I hope anyone in a relationship and my plan also when I get back into one, 'di magbago 'yung part na 'yon. Kaya habang single pa, pina-practice ko na siya,” pagbabahagi niya.

Matapos ang isang taon sa pagiging single, hindi pa raw handa ang aktres na magmahal muli ngunit bukas siya sa dating.

Aniya, “Hindi pa, hindi pa. But I'm ready to date. I think I'm ready to date. I'm ready to try to open up again.”

Bukod sa kanyang karera sa showbiz, abala rin ang aktres sa pagpa-praktis ng kanyang natapos na kurso na Architecture. Ayon kay Mikee, mas pinili niya muna ang magkaroon ng actual experience bago sumubok sa Architecture Licensure Exam.

“I partnered with my bestfriend nung college na lisensyadong architect na and I'm actually in it for experience talaga more than anything. Para before ako mag-boards, mas may experience ako. Sure ako kung may experience ako, may mga tanong don na masasagot ko e.

“Maybe next year, I'll take the boards. Sayang naman 'yung sampung taon kung 'di ko ibo-boards 'di ba,” kwento niya.

Related gallery: The stunning photos of Mikee Quintos