What's Hot

Mikee Quintos, umaasang mas maipapakita ang 'passion' pagkatapos ng quarantine

By Marah Ruiz
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated July 3, 2020 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Sa tingin daw ni Mikee Quintos, mas magiging ganadong magtrabaho ang mga artista at television workers pagkatapos ng quarantine.

Minsan nang inamin ni Kapuso actress Mikee Quintos na may alinlangan siya na bumalik sa taping habang present pa rin ang banta ng COVID-19.

Gayunpaman, optimistic naman siya sa napipintong pagbabalik trabaho ng mga film at television productions.

Sa tingin daw niya, mas magiging ganado ang mga taong magtrabaho pagkatapos ng quarantine.

"'Yung passion ng bawat isa to work dahil na-miss nila, feeling ko 'yun 'yung magandang mix na mangyayari sa lahat. Imagine, ilan 'yung souls, ilang 'yung mga katawan out there na sobrang na-deprive ilabas 'yung creative juices nila," pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

"'Pag nagka-chance sila ulit, ganadong ganado lahat 'yan magtrabaho for sure. Feeling ko, 'pag pinagsama-sama mo lahat 'yun, ang ganda noong mga content na magagawa natin. Nakaka excite!" dagdag pa niya.

Ayon sa kanya, malaki daw ang maitutulong ng pagkakaroon ng "cut off" sa set para mapanatili itong ligtas para sa lahat.

"Before the pandemic started, alam ko naa-apply na 'yun rules ng cut off ng oras sa taping. May certain number of hours lang na puwedeng mag-work. Kahit anong mangyari, may cut off lahat--hindi lang 'yung bilang na tao lang 'yung may cut off. Nakikita ko nang nasusunod 'yun noon before ECQ (enhanced community quarantine). Natutuwa na ko doon," bahagi ni Mikee.

Bukod dito, ilang adjustments pa rin ang kailangang idagdag bilang safety measures.

"Social distancing, i-practice sa set. Bilang na tao lang 'yung nasa isang tent para masunod natin 'yung distances.

"Tapos siguro 'yung paglipat din ng location huwag muna damihan sa isang day. Makakatulong 'yun I think. If kayang i-take lahat ng eksena sa iisang location lang, that would be better, feeling ko," aniya.

Alamin ang iba pang paghahanda ni Mikee para sa tinatawag na "new normal" sa eksklusibong video na ito:

Mas napahalagahan din daw ni Mikee ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera matapos niyang masubukang mag-tape nang mag-isa.