
Napanood sa Amazing Earth ang kilalang singer, composer, vlogger, and content creator na si Mikey Bustos para ipakita ang kaniyang ipinatayong ant farm at ang pagiging animal lover.
Noong September 8, ipinakita sa Amazing Earth ang aviary ni Mikey sa Cavite, at ang "antiverse" kung saan inaalagaan niya ang iba't ibang klase ng langgam.
Ang ant farm ni Mikey ay may YouTube channel na rin at may halos 5 million subscribers. Ito ay tinatawag na AntsCanada.
Tampok din sa Amazing Earth ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa encounter ng Pinoy sa isang kangaroo.
Napanood noong Biyernes si Mariel Larsen at kung ano ang kaniyang ginawa nang makaharap nila ang wild animal habang sila ay nagka-camping sa Victoria, Australia.
Tutukan ang susunod pang mga exciting na episodes ng Amazing Earth tuwing Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.